Showing posts with label Litratong Pinoy. Show all posts
Showing posts with label Litratong Pinoy. Show all posts

Iba't ibang gamit ng salamin sa mata:
- Pwedeng pang-porma
- Para ang dating ay matalino
- Para mukhang seryoso
- Para mag mukhang matured
- Proteksyon sa dumi
- Proteksyon sa mga bagay na maaaring magdulot ng sakit sa mata
- at higit sa lahat pampalinaw ng paningin

Ano pa man ang iyong dahilan, isang kasiguruduhan na darating sa buhay ng tao, ikaw ay magsasalamin sa mata. Kung kailan at kung para saan, tanging ikaw lamang ang nakakaalam.



This is my pair of computer eyeglasses for work. I bought this last 2009 and it was made by Max Mara. I have a different one to use when I'm at home. Why got two? I find it more convenient of getting another pair than to bring it with me all the time. The one at home have blue plastic-type frame and cheaper.

Here's another shot of my eyeglasses with dramatic effect. Picture taken at work. The cute display was given to me by my bestfriend, Malen.

Sa unang pagkakataon nakarating kaming magkakaibigan sa Universal Studios sa Singapore. At dahil sa sobrang pagod sa maghapong paglalakad at pagliliwaliw, naupo muna sya para magpahinga. Habang nagpapahinga, buong galak naman syang ngumiti ngiti para sa akin. Wala rin siyang pakielam sa mga taong tumitingin sa kanya at nagtataka kung bakit mas pinili nyang maupo sa bangketa e andami namang bangko na komportableng upuan sa paligid nya.

Ito ang litratong lahok ko sa lingong ito dahil sa nais kong maging dalubhasa sa pagkuha ng litrato kapag gabi o madilim na.



Additional blurps:
This is one of the pictures that I really like from the shots that I've taken for her (my model, Aila) when we went in Universal Studios in Singapore last October of 2010. I find night photography extra difficult to shoot because of the light source and sharpness versus the blurriness of the output pictures but I find satisfaction when I was able to get good shots specially when I'm not using any tripod when doing this.

Thanks to Aila for her relentless support and patience posing for me. :)

This post is for Litratong Pinoy

Ang bawat hibla nito ay mahalaga. Ang mga hibla nito ang bumubuo ng tali na syang magliligtas sa amin, sa sakunang di inaasahan.

~

Every strands of this harness is vital. The strength of these strands can save us from unexpected accidents.



At dahil sa mga matitibay na hibla ng mga taling ito, kami ay pwede ng mapangiti sa gitna ng nakaambang disgrasya sa taas na 100 piye.

~

And because of the strength of each strands, we can now smile even if we're up on the tres about 100-feet high.



Picture was taken at Subic. Tree Top Adventure.


This post is for LITRATONGPINOY.COM

For more of my Litratong Pinoy entries, go HERE!

Likas dahil likas. Likas na sa ating mga Pinoy ang isipin na pag maputi ka, mas maganda ka. Kaya ako, ang sabon ko ay Likas. :)

~~~

It's our nature to believe that the if your skin is whiter, the prettier you are. That's why I use Likas soap. :)




Disclaimer: This is not a paid advertisement.

This post is for LITRATONGPINOY.COM

For more of my Litratong Pinoy entries, go HERE!

Pakiramdam ko iba akong tao pag ako ay nasa kalikasan. Para bang ang level ng pagkatao ko ay umangat dahil kung asan ako. Ako ay isang tao na mahilig sa kalikasan. Kahit kailan di ako nanghinayang dito. Palagi na lang akong iniiwanang di makapaniwala sa kalikasan at sa kagandahan nito.

~~~

I'm a different person when I'm with nature. It feels like I'm another human being in a different level. I call myself a nature lover...or an outdoor enthusiast. Nothing on nature disappoints me, it always leaves me breathless and humbled.

First picture. This was posted from my old photoblog. My first sunshine over looking the Visayas Island. Picture was taken when I went to Samar last 2005.



Second picture. This was also posted from my old photoblog. The undeveloped beach from Gamay, Samar. They got white beach with no resorts at all, it's really like nature tripping.


Third picture: This was posted from my old photoblog. Same part of the beach (Second Picture), just on a different angle. I love this small coconut tree coz it was bent, either by nature or somebody who's strong enough to do this. :)


Fourth picture: Not in Samar but in Camiguin. This is what they call the White Island. Picture was taken last 2007. Some part of the island will be under water when it's high tide. Taking out the white sands from this island's prohibited.

Sorry if I have too many entries for this week's litratong pinoy. I just love nature and I have too many favorite pics to choose from.

This post is for LITRATONGPINOY.COM

For more of my Litratong Pinoy entries, go HERE!

Kapag ikaw ay isang hamak na mamamayan naghahanap buhay sa isang "Call Center Company", me mga pagkakataong ikaw ay ilalagay sa pang gabi. At ang iyong almusal ay hapunan ng iba, at ang hapunan ng iba ay ang iyong almusal. Ang aking lahok sa lingong ito ay isa sa mga putahe sa paborito kong Italianong kainan.



When you are working in a call center like me, sometimes you will be placed in the graveyard shift. Your dinner will be your breakfast and your breakfast will be your dinner. So my entry for this week is one of my favorite pasta from an Italian resto.

This post is for LITRATONGPINOY.COM

For more of my Litratong Pinoy entries, go HERE!

Isa sa mga bagay na kinakatakutan ko ay ang posibilidad na sa darating na panahon (na sana naman ay di magkatotoo) ang anak nang isinalang ay wala ng buhay. Para sa akin ang mga bata ay angel na ipinagkaloob ng Diyos na maykapal para mahalin.

-----

One of the things that scares me most is the possibility that I'll have a stillbirth in the future (but I'm hoping and praying that I'll never happen). Because for me all babies are angels sent by God for people to love.



This post is for LITRATONGPINOY.COM

For more of my Litratong Pinoy entries, go HERE!

Simpleng alam mo ba ang handog ko para sa lingong ito ng Litratong Pinoy...at ito ay ang alam mo ba na ang pag-ticket sa bus ngayon ay digital na? Alam mo ba? Ako kamakailan lamang...

Pero pano na kung mali ang singil ni Manong Konduktor at kailangan mong ibalik ang ticket, me laban ka pa ba? Hmmmm....

-----

My entry for this week is a just a simple fact for Litratong Pinoy...and did you know that now bus operators are using digital bus tickets. Did you know? I just recently learned...

But what if the bus conductor was over pricing and you need to return the excess ticket, what can we do something about it? Hmmmm....


Litratong Pinoy #8: Tulay

Ako ung taong me takot sa matataas na lugar at lagi na lang may lula na para bang mahuhulog ako sa aking kinalalagyan. Pero ako rin ung taong mahilig sa adventure na kahit me takot, basta me tali ay "go" na rin!

Ang larawang ito ay kuha sa Macahambus Adventure Park sa Cagayan De Oro nung taong 2007. Kasama ko rito ang mga ka opisina ko sa QA Department. Sa trip na to, pumunta rin kami sa Camiguin, kaya lang walang tulay kaya di kasali. Hehehe.

---

I'm the type of person who's afraid of heights and I always feel like I will stumble from the height where I am in. But I'm also the type of person that even though I have fears in what I do, a little amount of security could make "go" further.

These shots were taken in Macahambus Adventure Park in Cagayan De Oro last 2007. I was with my QA Family. We also went to Camiguin, sad to say, I don't have pictures with bridges from there so it doesn't qualify for this week's post. Hehehe.




Eto ay ang parang kapatid ng entre ko na Litratong Pinoy #5: Bond Hearts.

Ito kasi ang pinakapaborito kong alahas. Medyo halata kung bakit. hehehe

Di sing mahal at di sing ganda. Pero sing love. :)

---

This is like the sister of my past entry, Litratong Pinoy #5: Bond Hearts. This came from the same set of pictures I took.

I can't help posting it again because this is my most favorite jewelry. Isn't it obvious?

Not as expensive and not as pretty. But much loved. :)



Darating ang panahon na lahat tayo ay tatanda. Kukulubot. Manunuyo.

Ang hiling ko lang na sana sa pagtanda ko ay maging para akong bulaklak na ito. Kayganda pa rin kahit pa pinaglipasan ng panahon.

Asus! :)

Ilang singsing ba ang pwedeng maging tanda ng yugto ng pagmamahalan?

Simulan natin sa "Friendship Ring", tanda ng pagkakaibigan, pwede kahit sa mga kapwa babae o kapwa lalake.

Sumunod ay ang "Bond Ring", pag "kayo na" pero di pa pwedeng mag-commit, mas malalim sa Friendship Ring, pero di naman kasing lalim ng katulad sa susunod...

Ang "Engagement Ring", pag "kayo na" tapos ready na kayong maging isa pero wala pang perang panghanda para sa kasal.

At ang "Wedding Ring", tanda ng lubos na pagmamahalan. Wala na atrasan. Yun na!

Ang lahok ko sa Litratong Pinoy ay ang "Bond Ring" namin ng mahal ko. Kaya BOND HEARTS kasi create ng heart ung bond ring namin...SWEET noh?

MALIGAYANG ARAW NG MGA PUSO!!!

Litratong Pinoy #4: Lila

Wala na akong makitang iba pang lila...
Buti na lang kakapalinis ko lang kanina...
Mga kaibigan, eto na ang lila kong dila...
Joke! kuko pala, di kasi tugma ang kuko sa lila...hehehe



Pwede ding titulo ng litrato: "cover your nose!" :)

Gabi na noon at kumukulo na ang tiyan ko sa sobrang gutom, kaya lang diet ako. Fruit diet ang lola mo. Orange ang gusto kong kainin n'on. Laking tuwa ko kasi eto ang nakita ko...Sarap!




Kaya lang ng tingnan ko, galing pala sa punong ito...





Haayyy...Tinakaw lang ako...


Maligayng LP day sa lahat!!!


(Ngayon ko lang nalaman, kahel pala ang tagalog ng orange. LOL)

Litratong Pinoy #2: Asul



Anim na taon na pala akong nagtatrabaho sa kumpanya na pinagtatrabahuhan ko ngayon. Tingnan mo nga naman. Ang bilis ng panahon...

Dito sa gusaling ito na me asul na dungawan. Maraming hirap...maraming pagtitiis...maraming sakit...maraming kaibigan... maraming alaala... Mahirap kalimutan. Mahirap iwanan.

Litratong Pinoy #1: Pula


PULA INA

Unang subok sa paglahok sa Litratong Pinoy.

Matagal ko na talagang ibig sumali sa Litratong Pinoy. Laking tuwa ko ng malamang ang tema sa linggong ito ay PULA! Dahil PULA ang paboritong kulay ng aking ina. Pag sinabing pula, ang una kong naiisip ay si ina. Sa totoo lang, sa sobrang hilig nya sa kulay pula, kulang na lang ay gawing pula ang buhok nya. Pero ang katotohanan ay mapagmahal at tunay na ehemplo si ina, siguro kaya pula ang paborita nya! Loving baga...

Mahal kita Ma!